Sa Buwan ng Pambansang Sining
Flash report! May palabas sina Andres sa Pasinaya at si Pepe sa Tanghal. Kasunod na rin nila ang iba’t-ibang pangkat pambata. Ano pang hinihintay mo? Sabihan na ang mga kakilala – “i-artist inc mo naman ako”.
Pangungunahan ng ARTIST Inc at Letran Calamba Departamento sa Kultura at Sining ang paglulunsad ng 12th Pista ng Dulaan at Sining sa Pebrero 1 sa pakikipagtulungan ng LINANG Arts and Culture Network Inc. Magpapamalas ng kagalingan ang Children's Literature, Arts and Performances (CLAP), Sitsiritsit Children’s Circle, Teatro Guysayco ng Nagcarlan, SPA Pangkat sa Sayaw at Musika ng Jose Rizal Memorial School, Montessori Children’s Workshop Repertory Company at Tanghalan SPED ng DepEd Calamba.
Mapapanood si Andres Bonifacio bilang alagad ng sining sa dulang Puhunan sa PASINAYA ng CCP sa Pebrero 3. Masasaksihan naman si Jose Rizal sa panahon ng elektroniko sa dulang Pepe’s Wall bilang opisyal na kalahok sa 7th TANGHAL National University-based Theater Festival ng NCCA sa Pebrero 11-13 sa Legazpi City, Albay.
Makakasama ng dalawa sina Isko at Iska sa Southern Tagalog Festival ng UPLB Office of Initiatives for Culture and the Arts sa Pebrero 22 sa D.L.Umali Hall. Siyangapala, mapapanood rin ang ilang mga halaw na tagpo sa Nineveh Art Gallery (Sta Cruz, Laguna) sa Pebrero 16. ’Yan ang ilan lamang sa regalo ng ARTIST Inc para sa ika-25 taong birthday nito sa pagdiriwang ng buwan ng pambansang sining. Hitik sa 25 nga e.
Makipag-email ka na (artistparagos@yahoo.com o amosperez@artist-inc.org),
makipag-FB (Korido Kalantog)
o kaya’y magtext na kay Almira (09265620145).